Madami ako'ng natutuhan tulad ng uso na din pala sa mga robot ang mag-sumo. Naisip ko'ng kailangang gawing batas ang pagbabawal sa pagbubuo ng robot na mukhang gagamba. Kawawa naman kaming mga arachnophobic. Hehe.
Nalaman ko'ng meron ng mga naimbentong bagay na hindi mo aakalaing magagamitan ng computer tulad ng pregnancy test kit na pagkatapos "patakan" eh isasaksak mo lang sa USB port ng computer mo eh alam mo na ang resulta. Meron ding kahon na pag pinatungan mo ng cellphone eh nacha-charge niya mag-isa.
Meron ding wedding ring na pwede mo'ng i-set ang date para pag-anniversary niyo na, iinit siya para maalala mo. Meron ding nilalagay sa motor na hangga't malakas pa ang impluwensiya ng alcohol sa katawan mo, hindi magsa-start ang motor mo.
Naisip namin nina Kisha na masamang pagsamahin ang dalawang bagay na yun dahil papano kung anniversary niyo at kailangan mo na umuwi pero galing ka'ng inuman? Mainit ang daliri mo pero hindi ka makauwi dahil ayaw mag-start ng motor mo. Tsk, tsk, tsk. Hamo na matanggal daliri mo o hamo na lang yung motor mo?
Merong chip na pwedeng ilagay sa utak. Tinesting yun sa pigeon at nacontrol nila ang direction ng paglipad ng pigeon. KAWAWA NAMAN!! Pwede din daw yun gawin sa tao pero sa future pa. Sana pagdating ng time na yun, patay na ko.
Madami ako'ng natutunan lalo na kina Sir Rey at Sir Tony. Applicable din sa totoong buhay ang programming methods tulad ng incrementing, conditional statements at logical operators.
do{
kit=kit + 1;
}while (kit<
Parang ganyan lang.
Hindi ko na ikukwento. Basta intindihin niyo yung program. Ahaha.
Natutunan ko din na importante ang people skills. Dapat alam mo kung papano mo malalaman na nalilibang na sila. Importante yun...!
In the end, masaya siyang experience. At napaka-worth it.
Next stop: BULPRISA!
P.S.
Nagchampion nga pala ako. ^_^
































1 comments:
ahooo ang galing....ung chip nga pala ive heard ginagamit na sa mga aso may tawag dun eh...ahmm ahmmm i forgot..sad..T_T something like a biochip/smart chip para kung nasan man ung aso mo pagnawala sya matatrack siya kasi may gps signal...sabi nila..pati daw tao lalagyan ng chip ung kabutil ng bigas ang laki para naman daw tabihan ng mga information at magiging parang atm nadin ung chip na kung saan hindi na daw mahoholdup kasi nakaembed daw sa katawan ng tao ung chip.hehe parang ganun...ang saya naman nyang IT conference nyo sana nakasama ako.hehehe
.ahm xai turuan mo nga ako ng proggramming.hahahah
Post a Comment