Ligo. Bihis. Make-up. Blower at plantsa ng buhok. Medyo mahapdi ang contact lenses ko sa mata dahil nga inaantok pa ko. Ramdam ko ang pagka-haggard.
Mawawala din 'to pag-inom ko ng kape.
Onward!
Mga 6:20AM ako dumating sa school. 20 minutes late pero tinext ko naman si ma'm. Nakakahiya naman. Baka ako na lang pala ang hinihintay. Pagdating ko, yung dalawang contestants ng quiz bee at si ma'm ycong ang nandun sa faculty at hinihintay ako. Maya-maya dumating si Kisha tapos si Ate Tine. Kasama si Ma'm Ycong, Sir Tony at Sir Rey, lumakad na kami papuntang SM Baliwag.
Kinakabahan ako at ang tanging paraan para hindi ako lamunin ng kaba eh maglibang. Hindi naman ako pwedeng tumambling sa loob ng sasakyan kaya nagdaldalan na lang kami.
"Daldal ka ng daldal! Mamaya wala ka ng boses!"
Kung naging sinlaki siguro ni Ma'm Ycong si Sir Toffer, malamang binuhol na niya dila ko. Kaso talagang nahihirapan ang pakiramdam ko. Isipin mo naman. SM Baliwag. Sa mga previous experiences ko sa extempo, nasa classroom lang kami nagde-deliver ng speech. Ngayon, sa SM BALIWAG!? Siguro naman walang classroom sa SM Baliwag! Malamang daw na sa activity/event center ganapin. Nakupo. On stage. Sino'ng hindi kakabahan?
Ang dasal ko lang kay Lord nun eh katulad lang ng dasal ko nung Cluster competition. Hindi ko ipagdadasal na manalo ako. If it's meant to be, it's meant to be. Basta sana tulungan lang ako ni Lord na wag mapahiya at mailabas ko yung best ko. Super nakakahiya kung magkakalat ako dun. And if my best is meant to win then. "Thank you, Lord." Basta wag lang sana ako'ng magkalat dun.
Hindi ko na nacheck ang oras ng pagdating namin dun. Siguro dahil sa nakita ko na yung mga estudyante ng ibang school. Walo kaming taga-STI Sta. Maria na duamting dun tapos sila, HALOS BUONG SCHOOL ang andun! Hala ka! Hindi ko maalala kung sino o ilan lahat ng Region III schools na nandun pero maliban sa STI Sta. Maria, nandun ang PUP Sta. Maria, AMA Cabanatuan (tama ba?), Lyceum of the Philippines, CEU Malolos, Baliwag University at iba pa. Pinakamadami ang PUP Sta. Maria. Nasa 200+ sila kaya nanalo sila ng digital photo frame.
Binigyan kami ng kit. Bag, t-shirt (Sir Rey, bakit MEDIUM ang kinuha niyo sa kin? Small akuuuuuuuu... T_T), pin, maliit na notebook at violet na bolpen. Nakers. Pagdating namin dun, nalaman namin na meron palang SEMINAWR! Waaaaaw! May talk tungkol sa kung anu-ano — Robotics, Animation, IT Ethics at kung anu-ano pang di ko na maalala.
Nakita ko din ang dalawang ka-shop ko dati sa Malolos. Sina Alexis at yung isang taong sigurado akong hindi si Jerdan o si M.A. Basta. Siya na yun. May DSLR sila. Nikon D40. Muntik na ko'ng maging magnanakaw sa inggit. Ahahaha!
Contest Proper
Sabi 10:00AM ang extempo pero for some reason, na-delay. Okay lang dahil nabigyan ng extra time sina Marvin, Nikko at Russel para makahabol at mapanood ako. Yey, support! Na-touch naman ako! Pero kinakabahan pa rin. Hindi lang siguro halata pero sa sobrang kaba ko, ni hindi ko na maisipang mailabas ang camera ko.
Pinabunot kami ng
ng numbers para makita yung order. Number 4 yung nabunot ko. Not bad. Sakto lang yung time para makapaghanda at sakto lang din para hindi ako ma-intimidate ng ibang contestants. Iba't iba daw kami ng topic. Ngayon ko lang na-experience ang ganun pero okay lang. Even grounds naman kami lahat.Nung tinawag na sa stage yung mga contestant, para kong magkakasakit. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Parang pinipilit tumakas ng kaluluwa ko.
Gaya ng inaasahan, sa stage kami nagdeliver. Sa stage. Sa harap ng isang libo mahigit na estudyanteng nandun. Strangersssssss. Okay lang. Prinaktis ako ni ma'm na magdeliver sa strangers. Imbes na mag-last minute recalling ng mga possible topics, quotes, intros at kung anu-ano pa, inayos ko muna ang mindset ko.
"Hindi ko sila kilala. Hindi nila ko kilala. Kahit magkamali ako, carry lang. Carry lang."
Tinitigan ko ang audience ko para mafamiliarize ng katawan ko yung atmosphere at yung mga taong titingnan ko mamaya. Nagdasal na din ako ulit. Nakatulong sa kin ang experience pagsama ko kay Cathy dahil sa kanya ko lang natutunan yung pagdadasal ng "God, give me strength". Hindi niya directly tinuro sa kin pero nabanggit niya. Natandaan ko.
Nakatulong din ng malaki ang natutunan ko nung cluster.
"Hindi ko kailangan magmagaling. Kailangan ko lang galingan."
Hindi ko muna kailangang isiping manalo. Hindi ko muna kailangang isipin kung ano ang gagawin ko pag natalo ako. Kailangan, isipin ko, galingan ko.
Ayun na! Nag-commence na! Go!
Medyo nakaka-weird ang feeling. Pano kasi yung mga nauna sa kin, pinalakpakan ng bongga ng mga schoolmates nila nung turn na nila. Ako, siguradong papalakpak sina Kisha pero hindi kasing lakas ng mga 'to. Pero hamo na. Ang dami namang nagtext sa kin ng good luck kahapon kaya okay lang. Yun na lang ang inisip ko.
And then, ako na.
And For The Question...
"If given the chance to become the Secretary for the Information & Communications Technology Department, what would be your first project and why?"
Roughly, yan yung taong sa kin. Ba-boom! Hindi ko maalala kung ano na ang naisip ko nung nakita ko yung question ko. Naisip ko yung intro at yung bahagyang sagot ko. Wala pa ko'ng ending at matinong body ng speech pero all of a sudden, ako na. Hala! Gaya ng inaasahan, walang malakas na hiyawan at palakpakan. Hamo sila. Advantage yun. Hindi madidistract ng sigawan ang audience ko pati na yung judge. Bilib din ako sa state of mind ko nung araw na yon. Iba yung level ng optimism ko. Hindi ko alam kung san nanggaling.
Kinuha ko yung mic at naglakad ako papunta sa gitna. Ako yung unang contestant na gumamit ng gitna ng stage (yung mga nauna kasi, sa podium nagspeech) kaya medyo nakakuha ako ng "aaaaaaa~" sa audience. Plus points siguro dahil agaw-pansin.
Nagsalita ko. Walang lumabas na sound sa mga speaker. Putakte, patay pala yung mic. May mga natawa pero hindi ako nagreact. Gusto ko na lang matapos yung gagawin ko.
"Professors, instructors, judges, my fellow IT students... Good Morning."
Good MORNING? MORNING pa ba ang 12:00 NOON!?!? Anak ng kagang, afternoon na! Ano'ng pinagsasasabi ko!? May natawa ulit. Pero ano nga ang sabi ko pag nagkamali ako?
"Carry lang."
Kailangan AKO ang makakuha ng atensiyon nila hindi SILA ang kukuha ng atensyon. Subconsciously, alam ko na oras na madistract ako, TAPOS AKO.
Nagsalita ako nang nagsalita. Kung tutuusin, mas nakakatakot pa magsalita sa faculty room sa harap ng mga prof kesa sa harap ng iba. Hindi ko sila nakikita lahat. Hindi ko kita ang facial expression nila. Naging mas madali sa kin ang ganun. Kahit madami sila, hindi ko naman nakikita ang mga kuru-kuro sa mukha nila. Nagsalita lang ako at sinabi ko'ng kung ako ang ICT Secretary, magpapalaganap ako ng mga IT Conventions tulad ng PSITE/SAITE dahil kailangan ma-educate ang mga Pilipino tungkol sa teknolohiya ngayon. Nagiging technophobic na kasi tayo. Ayun. Ganun lang. Pinalawak ko lang ang pananaw ko at natapos ang two minutes.
Nung nagsimula ako, wala halos pumalakpak pero nung natapos ako, napuno ng palakpakan yung lugar.
Dininig ni Lord ang dasal ko.
Hindi ako nagkalat.
































0 comments:
Post a Comment