One day, sinabi ni Ma'm Ycong na ita-try niya daw ako para sa Extemporaneous Speech Competition. Akala ko joke lang. Akalain ko ba'ng totoohanin talaga.
---
PREPARATION
Sa hindi nakakaalam, yung extemporaneous speech ("extempo" for short) ay yung bibigyan ka ng topic tapos bibigyan ka ng 2-4 minutes para mag-isip tapos kailangan mo'ng i-deliver yung speech mo ng 2 minutes or so. Bawal isulat. Bawal basahin. Kaya ayun. Medyo nag-dalawang isip pa nga ako'ng sumali kasi papano pag nanigas ako at wala ako'ng nasabi. Baka i-drop ako ni Ma'm Ycong ng walang kalaban-laban.
Nung start pa lang ng training, problema na agad dahil paos ako nung time na yun. Nagskip kami ng isang araw ng training para maipahinga ang boses ko. Hindi pa ko nakaexperience ng training ng extempo. Dati kasi, puro basa lang ang ginagawa ko pag sumasali ako ng extempo. Yun lang naman ang sabi ng coach ko nu'n. Sinabihan lang ako ni ma'm na magbasa at maghagilap ng mga kahit ano'ng nalalaman ko. Mula sa current events hanggang sa IT trends at pati na din sa mga quotations ng mundong ito.
Simpleng mahirap ang instructions ng training. Bibigyan ka ng tanong. Ideliver mo ang sagot in two minutes............................. SA HARAP NG FACULTY. Palakpakan naman diyaaaaan!
Hindi ko na maalala ang unang topic na binigay sa kin. Basta dineliver ko lang tapos ginamit ko lang ang angkin ko'ng kadaldalan para hindi ako tumigil kasasalita. Wala pa'ng naco-comment si Ma'm Ycong eh tinawag na niya si Ma'm Menchie para panoorin ako at bigyan pa ko ng isang question. Nandun din sina Sir Toffer, si Ma'm Wennie, si Ma'm Fretz, si Ma'm Jo, si Ma'm Glenda at si Ma'm Anna. Sana kako tinawag na din si Sir Rey saka si Ma'm Grace... Pati si Mayor tawagin natin.
Ayun. Magaganda naman ang comment nila sa kin. Spontaneous daw ako magsalita. Naks. Dati, pag madaldal ako, ang tawag sa kin ng prof, "talkative". Ngayon, "spontaneous" na. Uy, uy! May future~!
Tine, Ang Bato! *ulk!* KISHA!
Si Ate Cristine ("ate" dahil President siya ng SC... haha!) or Ate Tine for short ang lalaban for Extempo ng Senior. Ako naman sa Junior. Nagkasabay kami magtraining. Nu'n ko pa lang nakilala talaga si Ate Tine at palagay ko eh nun pa lang din niya ako nakilala ng ayos. Malamang nagsisisi na siya ngayon. Ahaha! Medyo nahirapan siya mag-focus kasi busy siya. Ang dami niya kasing school work at madaming responsibilidad.
Pinahiram kami ni Ma'm Jo ng "Ice Breaker". Sa simpleng salita, isa siyang maliit na kahon na may mga cards. Sa ibabaw ng mga cards, may nakasulat na simpleng question na kailangan naming idefend in two minutes. Sa pananaw namin, ang "Ice Breaker" ni Ma'm Jo ay ISANG LINTA NA HUMIHIGOP NG LAMAN NG UTAK MO SA LOOB NG DALAWANG MINUTO HABANG PINIPILIT PADUGUIN ANG ILONG MO!!!
Isang araw, habang nakikipaglaban kami ni Ate Tine sa mga Ice Breaker questions ay dumating si Kisha at sa kung ano'ng dahilan eh nakisali sa pagpa-praktis namin ng extempo. Ngayon ko napatunayang may sapak ng bahagya si Kisha. Akalain mo'ng sumali sa impromptu speechaloo namin ni Ate Tine? Nakitaan siya ng potential (dahil si Ma'm Ycong ay may "potential measurer" na naka-install sa kanyang mga kuko) at si Ate Tine ay nag-a la pating na nakakaamoy ng dugo. Si Ate Tine ang Israel. Ang extempo ay mga Egyptians. Si Kisha ngayon ay naging si Moses.
"LET
Ayun. Si Ate Tine ay nag-back out at sinabing si Kisha na lang daw kaya ba-boom! Si Kisha na ang lalabang sa SENIOR!!
The Faculty
Masaya magtraining sa faculty. Nakaka-serious na masaya. Hindi sila nakakatakot at hindi nakakailang. Masaya tumambay sa faculty kasi ang ingay din nila. Lahat sila supportive sa min at hindi nangdi-discriminate. Game makipaglokohan. Masarap kumain dun. Ewan ko kung bakit.
Madami ako'ng nalaman. Madami ako'ng natuklasan. Madami din ako'ng kinunan ng picture.
May ibang mga students na nakakita sa kin sa loob ng faculty. Akala tuloy nung ibang kakilala ko naging student prof daw ako. Mga hunghang. Ano yan, OJT!?
The Night Before
Pagod na pagod ako pag-uwi. Pag-alis ko kasi sa school, inayos ko pa ang isusuot ko. Naghanap pa ko ng belt kasi super plain ng isusuot ko. Kinausap ko pa yung pinsan ko na siya mag-make up sa kin kinabukasan kasi hindi ako marunong. Baka maging kamukha ko si Rambo.
Para ako'ng bangag sa droga. Lagi na lang ba kong ganito pag may competition? Hindi ako makatulog at pinipilit pa din magprepare ng subconscious ko. Automatic na gumagawa ng question/topic ang utak ko at automatic din niyang pinipilit sagutin... NUNG ALAS DOSE NG HATINGGABI! Anak ng kagang! Kailangan ko'ng matulog! Parang may sariling buhay ang utak ko! Ayaw tumigil kakaisip!
Hindi ko alam kung pano ako nagpahinga o kung nakapagpahinga nga ba ako.
At dumating na nga ang 4:00AM.
































0 comments:
Post a Comment