Putakte

on 3:39 PM

"Pipilitin kitang intindihin wag ka lang magsisinungaling."

Yan ang lagi ko'ng sinasabi.

Mahirap magsabi ng totoo. Alam ko yun. Lalo na pag involved yung taong pagsasabihan mo. Mabigat yun isipin. Mabigat din sabihin. Hindi mo kasi alam kung papano siya magrereact. Hindi mo alam kung maniniwala ba siya sa'yo.

Nagsabi na ko. Hindi dalas ng pagsasama o pagkikita o paguusap ang basehan ng pagkakaibigan. Para sa kin, ang pagkakaibigan ay nababase sa madaming bagay na kahit na hindi kayo nag-uusap, hindi kayo nagkikita, nandun pa rin yung bond of friendship.

Sabi mo kaibigan mo ko.

Naniwala ako sa'yo.

I promised that I would never lie to you but in return, you must not lie to me. I have kept that promise well, alam mo yan.

Malalaman mo naman kung may hindi sinasabi sa'yo ang isang tao. Kung meron siyang hindi kinukwento. Kung meron siyang iniiwasan. Hindi ko ugaling magshout out sa blog kaya lang umiikot ang sikmura ko na hindi ko maintindihan. Ayoko ng ganito, eh. Ni wala na nga ako'ng pakealam kung may organization of thoughts pa 'tong entry na 'to.

Hindi na kita naiintindihan.

0 comments:

Post a Comment