ImmortalTxt Vs. SpartanTxt

on 6:13 PM

Minsang biniro ko ang kaklase ko na mula ng nagkaron siya ng bagong phone eh hindi na siya nakapagtext, sinagot niya ko ng, "Naka-immortal text nga ako kaso wala namang signal sa pinag-stay-an ko." Madalas ko'ng nakikita yung commercial ng "Immortal Text" pero hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko alam kung mali yung ad, kulang yung ad o mali yung utak ko. Palagay ko, kulang yung utak ko.

Ano ba yung Immortal Text ng Globe?
So hindi ko nga alam kung ano yung immortal text kaya imbes na hanapin ko siya sa Google (o sa kung saan mang lupalop sa Internet, ako ay nagtanong sa aking plurk timeline. Ewan ko ba. Mas madali namang maghanap sa Google, ewan ko kung ba't ko pa pinost sa plurk. AT HINDI YUN DAHIL SA KARMA POINTS KO LANG HA!! Aaaaanyway, nagpost nga ako...



Ano yung immortal text? Hindi ko magets.

Medyo natagalan pero maya-maya, nag log-in na si tomastomas para sagutin yung tanong ko.



ganito yun. KALABAN SILA NG SPARTANTEXT

Hala. Nung simula, IMMORTALTEXT lang ang di ko alam. Ngayon, hindi ko na din alam yung SPARTANTEXT. Ano yun!?



actually, 60 txts, 50 GtG 10 to other networks, na walang expiry. sampung petot lang

Sa mga hindi nakagets (kahit obvious naman) Petot = Pesos



pero yung SPARTANTXT 300 texts yun na kelangan maubos. Tapos kada text mo me mag A AHOO AHOO

. . . . . . . O_O



tapos pag last text mo na magmomonolougue sya bago sumigaw ng SPARTAAAAAA

Parang gusto ko laging last text na. Ahahaha.



...and then my king died. My brothers died.

And then I died. Gusto ko tuloy maghanap ng message alert tone ng mga Spartan.

P.S.
No Spartans were hurt in the making of this post.
blog comments powered by Disqus