Voter's ID

on 2:14 PM




Nakita ko yan sa kung saan sa tumblr habang pinaplano-plano ko ang post ko tungkol sa eleksyon. Parang kailan lang eh pinagalitan ako ng tatay ko kasi hindi daw ako nakapagparehistro (na naman). Tuloy hindi ako makakaboto. Napagusapan din namin magkakaklase kung sinu-sino sa min ang rehistrado na. Ang dami palang hindi. Yung isa nga sabi niya sapat nang meron kang "Ako Mismo" tag para makaboto. (Ewan ko kung ano point niya) Nagtry naman kami magparehistro. Yung isa nga 12 hours na nandun sa may parehistro eh akalain mo'ng hindi pa rin siya naentertain.

At alam niyo ba kung ba't ako pinagalitan ng ibang tao dahil hindi ako nakapagrehistro? Magandang ID daw kasi ang voter's ID pag naghanap ka ng trabaho.

Anak ng putik naman. Akala ko pa naman patriotic reasons.

Alam ko na karapatan at obligasyon ko ang bumoto at bilang isang matinong Pilipino eh dapat lang na-iexercise ko ang aking right to vote pero parang sa mga nangyayari eh kung nakapagparehistro man ako, hindi ko din alam kung kanino ko ibibigay ang boto ko. Hindi naman sa dadayain lang. Hindi naman sa walang kwenta yung mga kumakandidato. Hindi naman sa ayoko sa automated elections. Hindi naman sa wala na kong nakikitang pag-asa para sa Pilipinas.

Alam ko'ng kahirapan pa lang sa buhay eh sapat ng dahilan para bumoto ako. Pag bumoto ako, magandang paraan yun para mai-voice out ko ang gusto ko'ng mangyari. Makakatulong ako sa Pilipinas.

Pero pano ka makapipili ng dapat iboto dahil sa mga punyetang campaign ads at black propaganda na nakakalito? At hindi ko sinasabing yung mga politiko lang, ha? Kung ayaw mo kay Noynoy o kay Villar eh fine. Ako man eh aaminin ko'ng na-piste ako sa pagka-LSS ko sa pagligo sa dagat ng basura ekek at medyo mapapaisip nga din ako na si "Mommy at Daddy" ang back-up ni Noynoy imbes na yung mismong "siya".

Parang ang nangyayari eh hindi ka kinukumbinsi na "iboto mo ako" kundi "wag mo siyang iboto". Hindi na pangangampanya ang nangyayari. Pangungulit na. Parang nililito ka na lang.

Ano pang sense kung dumadami ang mga ayaw nang bumoto?

Uulitin ko. Alam ko ang dahilan kung ba't ko kailangan bumoto. Alam ko ang karapatan ko. AT HINDI KO SINASABING TAMA NA HINDI AKO NAKAPAGREHISTRO PARA BUMOTO. Talagang SAYANG ang boto ko. Kaya lang, dun sa mga wala namang kinalaman sa campaign ads eh baka gusto niyo munang pagtuunan ng pansin kung BAKIT kailangang bumoto hindi yung kung SINO ang dapat iboto o kung SINO ang HINDI dapat iboto? Kung concerned kayo sa Pilipinas, siguro dapat isipin muna natin na kailangang maenlighten muna ang mga tao sa tunay na ibig sabihin ng pagboto. 

Hindi yun sa kung sino ang pipiliin mo para maibangon ang Pilipinas.

Hindi yun sa kung sino ang pipiliin mo para makisimpatiya at makatulong sa mahihirap.

Hindi yun sa kung sino ang hindi (masyadong) corrupt.

Hindi yun sa kung sino ang hindi mandadaya.

Ang sense ng pagboto ay ang pagsasalita mo bilang isang Pilipino at hakbang MO tungo sa pagbabagong palagay MO ay mainam para sa bansa. Hindi yan para IHAKBANG KA NG KANDIDATO MO PARA SA YO. Tungkol yan sa boses MO na palagay mo ay nasasalamin ng isang taong kaya tayong pamunuan. Wag mo'ng ibase ang pagboto sa pananaw ng iba kundi dapat sa pananaw MO. Sa kung anong palagay MO ay tama. Kahit sino pa ang iboto mo, kung inaasa mo'ng kakayanin lang ng presidente o ng mga senador ang pagbabago ng sila-sila lang, parang kaplastikan naman yang ginagawa mo.

Baka naman pwede na nating pabayaan yung pulitika sa mga pulitiko? Ang dapat askikasuhin ng mga Pilipino eh ang Pilipinas. Kasi yun naman talaga dapat di ba? 

Share lang.
blog comments powered by Disqus